Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2018
Mama Ang mga kwento mong paulit-ulit tungkol sa iyong kabataan Nais ko'y muling mapakinggan Mga ngiti mong sintamis ng asukal Para sa akin ito ay sakdal Ang iyong timpla ng isang tasang tsokolate bunga ng iyong pagmamahal  ay hindi matutumbasan ninuman Kaya't hanap ko, dekada ay dumaan man. Yaong huling beses na ako'y iyong yakapin Init nito'y hinahanap pa rin Mga araw na kasama ka ay masaya at may natutunan Habang buhay maaalala mga iyan Sa walong taong tayo'y nagkasama mula sa aking pagkamalay, Kahit sa limang taong lumipas mula nang ika'y lumisan ay hindi kailanman malilimutan Ang pagmamahal mong wagas noon pa man.