Mama
Ang mga kwento mong paulit-ulit tungkol sa iyong kabataan
Nais ko'y muling mapakinggan
Mga ngiti mong sintamis ng asukal
Para sa akin ito ay sakdalAng iyong timpla ng isang tasang tsokolate
bunga ng iyong pagmamahal
ay hindi matutumbasan ninuman
Kaya't hanap ko, dekada ay dumaan man.
Yaong huling beses na ako'y iyong yakapin
Init nito'y hinahanap pa rin
Mga araw na kasama ka ay masaya at may natutunan
Habang buhay maaalala mga iyan
Sa walong taong tayo'y nagkasama mula sa aking pagkamalay,
Kahit sa limang taong lumipas mula nang ika'y lumisan
ay hindi kailanman malilimutan
Ang pagmamahal mong wagas noon pa man.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento